Posts

Showing posts from August, 2022

CTFLC Hosting at the House of the Philippines

Image
  CTFLC Hosting at  the House of the Philippines  By Ms. Mendoza Ika-21 ng Agosto at ika-28 ng Agosto 2022 | Ang CTFLC kasama ang CTFLC Rondalla ay nag-host sa the House of the Philippines (HOP) sa Balboa Park nang alas-11:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon. Malugod na tinanggap ang mga bisita at turista na bumisita na gustong matuto tungkol sa Pilipinas.  Ang CTFLC Rondalla naman ay tumugtog ng mga awiting Pilipino gaya ng “Bahay Kubo,” “Sitsiritsit,” “Leron-Leron,” at iba pa.  Kumanta rin sila at hinarana ang mga bisita.  Ayon kay Gng. Lita Candelaria na suot ang kanyang Terno, “Napakasarap na ipagmalaki at ipamalas ang ating kulturang Pilipino.”