SA FAEAC CONFERENCE
Ika-29-30 ng Setyembre, 2017, San Diego Handlery Hotel Sinulat ni Myrna P. Ablana Dalawang araw po, doon sa Handlery Ang CTFLC, talagang marami Sama-sama sila, saan man pumunta Bitbit itim na bag, palaging masaya. Ang pagkain doon, masarap talaga Isda, manok, gulay, may panghimagas pa Ang mga usapan, nakabubusog din At pinapayabong, isip at damdamin Ang mga presenters ay nakakamangha Talino at sipag, pati na ang t’yaga Lahat nakikinig, sa bawat salita Kaalamang taglay, bigay ni Bathala. Laging tulong-tulong, anuman ang gawin Di pababayaan, ang pamilya natin Nagbibigay ngiti, lahat ng sabihin Kasi minamahal, tuwina’y kapiling. Tahimik na kuwarto ni Ador at Sally Ginawang bihisan ng nakararami Napuno ang lugar ng mga halakhak Mga puso nila ay puspos ng galak. Magagandang terno at mga kimona Pinagtitinginan ng mga bisita Aba! nang dumating ang mga esposo Tulad ni Adonis, napakaguguwapo. At sa dance floor naman, di kayang bayaran Ang indak at galaw,...