Paskuhan ng CTFLC
Paskuhan ng CTFLC Ika-10 ng Disyembre 2017 sa Tahanan nina John Guthrie at Blancaflor Villanueva Sinulat ni Myrna P. Ablana Hindi pa po ako makapagtrabaho Paskuhan kahapon ay nasa puso ko Lumulutang pa rin sa sayang dulot n'yo Maraming salamat sa inyong pagdalo. Totoo po naman, talagang masaya Christmas Party natin di ba't kakaiba Esposo at anak, mga apo’t ina Sila ay kasama, iisang pamilya. Madamdaming tula nitong si Salvador Taginting ng boses ni Maria Fontimayor Ang original jokes ni Tilly't Blancaflor Nagtataka ako at wala si Amor. May maikling miting, kantahan, tugtugan Halakhakan mandin, hindi mapigilan Maraming pagkain sa hapag-kainan "Brown Carabao" naman, puno ng tawanan. Eh bakit ba naman itong si Marilyn Regalong mabuksan, tiyak aagawin Lahat naghihintay, biglang sasabihin "Hindi pa naman "ded," para 'yan sa akin." Si Virginia at Ram, mayro'n ding pakulo Ang mga pa-raffle, exciting, Diyos ko po! Ang regalong bitbi...