Paskuhan ng CTFLC

Paskuhan ng CTFLC
Ika-10 ng Disyembre 2017 sa Tahanan nina John Guthrie at Blancaflor Villanueva
Sinulat ni Myrna P. Ablana
 
Hindi pa po ako makapagtrabaho
Paskuhan kahapon ay nasa puso ko
Lumulutang pa rin sa sayang dulot n'yo
Maraming salamat sa inyong pagdalo.
 
Totoo po naman, talagang masaya
Christmas Party natin di ba't kakaiba
Esposo at anak, mga apo’t ina
Sila ay kasama, iisang pamilya.
 
Madamdaming tula nitong si Salvador
Taginting ng boses ni Maria Fontimayor
Ang original jokes ni Tilly't Blancaflor
Nagtataka ako at wala si Amor.
 
May maikling miting, kantahan, tugtugan
Halakhakan mandin, hindi mapigilan
Maraming pagkain sa hapag-kainan
"Brown Carabao" naman, puno ng tawanan.
 
Eh bakit ba naman itong si Marilyn
Regalong mabuksan, tiyak aagawin
Lahat naghihintay, biglang sasabihin
"Hindi pa naman "ded," para 'yan sa akin."
 
Si Virginia at Ram, mayro'n ding pakulo
Ang mga pa-raffle, exciting, Diyos ko po!
Ang regalong bitbit isa hanggang sampu
Iaabot sa 'yo, nanggaling sa puso.
 
Espesyal na kuwintas kay Ate Estela
Pinagpuyatan 'yan nitong si Maria
Magagandang parol ginawa ni Blanca
At nagbigay ngiti sa ‘ting Kapamilya.
 
Maraming salamat, sa iyo, Virginia
Sa Socials Comittee, sa lahat-lahat na
Kay John at Blancaflor, tahanang maganda
Sa Panginoong Diyos, tayo'y sama-sama.
 
Damang-dama natin ang pagmamahalan
Ang pagkakaisa at pagbibigayan
Ang ugaling Pinoy, isang kayamanan
Payabungin natin at pahalagahan.
 
 
Buuin po natin ang kaligayahan
Pasayahin naman, mga kababayan
May Karoling tayo, huwag kalimutan
Ang inyong pagsama ay inaasahan.
 
Kung ako naman po, may nakaligtaan
Ako sana'y inyong pagpapasensyahan.
Hindi sinasadya, pagkat tao lamang
Kayo’y minamahal, sana ay tandaan.













Comments

Popular posts from this blog

CRUZ, SUHSD Teacher of the Year 2024

Celebrating a Life of Service and a Life Fulfilled - Dr. Atilio Alicio

“Dalawang Baybayin/Two Shores”, a Virtual intercultural Exchange Program a Success!