Ang Saya ng Karoling

Ang Saya ng Karoling!
Ni CTFLC President-Elect Maria Fontimayor
 
Hindi ko inisip, at wala sa aking panaginip
Na ang isang Sabado ay maging napakasaya
Mga tinig na  kay ganda, narinig kahit mata’y pikit
Mga pamaskong awitin  sa bibig ay nabigyang laya.
 
Pagdating palang nga mga tagatug-tog na si Kuya Ardel at Digno,
Alam na ng lahat na super ganda ang mga maririnig na kantang pamasko
Aba, e, ‘di lang kasi gitara, Ay naku! May banduria pa.
At meron pa kaming Dr. Julie na eksperto sa Musika.
 
Sa tamang oras, ang pagdiriwang ay nag-umpisa
Syempre pa, kelangan gawin basta’t sinabi ni Dr. Estela
Introduksiyon ay ginawa at sinundan ng “Panunuluyan”
Pagkatapos ay inawit ang “Silent Night” na kanta.
 
Ipinaliwanag pa ni Ninang Estela
Kung ano talaga ang pagdiriwang ng Pasko
At ang isa pang duktor na bisita bumasa din ng tula
Para ibahagi ang kahulugan ng Pasko mula sa mga Puso.
 
At ng matapos ang “Panunuluyan” inumpisahan na ang kantahan
“Ang Pasko  ay Sumapit” ay  inawit sa pagpapatuloy ng  pagdiriwang
Ang mga killing-kiling, kastañeta, maracas, at iba pang instrumentong pangmusika
Umalingawngaw sa paligid para sabayan ang masayang pagkanta.
 
Sa kahilingan ng lahat, si Mary Rose ay nagsolong kumanta
Ng “O Holy Night”, naku po ang galing talaga!
Ang lahat ay tumingin sa kanya, kasi’y talagang namangha
Kasi naman tumagos sa puso ang bawat liriko ng inawit niya.
 
Pagkatapos ng ilang kanta ang hapag kainan ay handa na
Para sa isang masaganang tanghalian na ‘wag tawaran at may litson pa!
Si Ginoong Ador  ang nanguna sa pagdarasal
Upang ang mga pagkaing inihandang masagana ay mabasbasan na.
 
Pagkatapos ng tanghalian, itinuloy ang pagkanta
May naidagdag pang mga awit na kakaiba.
Sumayaw ang lahat sa “Jingle Bell Rock” at “ I have a Blue Christmas”
Na pinangunahan ni Mary Rose at Maria
Kahit na ang mga liriko ay binasa sa telepono dahil wala na sa kopya.
 
Bago magtapos ang  karoling sa Murietta,
Namigay pa ng regalo si Ate Carole sa lahat ng bisita
Kaya nga’t sa bandang huli, ang pag-awit ng dasal
Ng “May the Good Lord Bless and Keep you”
Ay inialay sa host na pamilya at mga bisita.
Tinapos naman ng kantang “Thank you Very Much” ni Digno at Ardel
Ang Karoling sa talagang  napakasaya.








Comments

Popular posts from this blog

CRUZ, SUHSD Teacher of the Year 2024

Celebrating a Life of Service and a Life Fulfilled - Dr. Atilio Alicio

“Dalawang Baybayin/Two Shores”, a Virtual intercultural Exchange Program a Success!