Tula: Salt Creek Elementary After School Program - Meet and Greet

Ika-18 ng Disyembre 2018
Sinulat ni Myrna P. Ablana

Ang CTFLC, masayang-masaya
Meet and Greet kahapon, aba’y kakaiba
Ang mga magulang, pati anak nila
Hindi mapakali, excited talaga.


Maikling programa nang sinimulan na
Ni Principal Lalaine na ubod ng sigla
Kanya pong sinabi na sa puso niya
Di man magsalita, isang Pilipina.
 
Ang CTFLC, ipinakilala
Ni Myrna Ablana, sa mga bisita
Nagpasalamat s’ya, sa lahat-lahat na
Bawat isang miyembro, umindak, kumanta.
 
Sa saliw ng uke nitong si Julita
Nangibabaw mandin boses ni Maria
Sinigundahan pa ni Gloria, ni Lita
Ni Virginia at Grace, ni MRose at Linda.
 
Di rin pahuhuli, si Briar, si Jackie
Naku, nakangiti, enjoy rin si Sally
Si Susan, Aurora, at saka si Dolly
Dumagdag pa mandin itong si Juanita
Si Salvador at Rey, si Riza, at Ana
Kahit bising-bisi at di maabala
Taginting ng tinig abot sa Tijuana.


Mga batang munti, nakikinig sila
Wika at kultura, tila damang-dama
Estudyante ni, Rey nang siya’y kumanta
“…pag-ibig ko’y ikaw,” lahat nahalina.
 
Sumayaw din pala, ang mga eskuwela
Ang kanilang tugtog, ay ang Carinosa
Maganda, malambing, itong sayaw nila
Nais kong sumabay, kahit di ko kaya.


Pati anak ni Rey at saka ni Margie
Naku, kumanta rin ng kawili-wili
At ang registration, O betcha by golly
Lumampas sa target, mga binibini.
 
Ang pansit na bitbit ni Principal Lalaine
Nakupo, ang sarap bigla kang mag-ge-gain
Ang lumpia ni JC, shanghai at ang fusion
Maraming salamat, mga kapuso ko
Tunay na espesyal ang inyong pagdalo
 
Itong aking dibdib ngayo’y lumulukso
Dahil ang programa, laging suportado.
 
Kay Principal Lalaine, maraming salamat
After school program, sa inyo nag-ugat
Ating kabataan, mata’y mamumulat
Mamahaling lagi, Wikang nararapat.


Maraming salamat, kay Riza, kay Ana,
Gurong mahuhusay, palaging abala
Gano’n din sa tulong ni Grace at Maria
Napagtagumpayan hapong mahalaga.
 
Maraming salamat, Salvador at Sally
Sa pagpupursigi, lahat ay nangyari
Kauna-unahan sa CTFLC
Panalangin natin, sana ay dumami.
 
Maraming salamat, aming Panginoon
Sa inyong pag-gabay, noon man at ngayon
Nangangako kaming itong aming layon

Boses malaginto, tunay na wowowee!        
Winner din sa lahat, kahit alta presyon.          
Palalaguin po, mahal naming Poon.                 

Comments

Popular posts from this blog

CRUZ, SUHSD Teacher of the Year 2024

Celebrating a Life of Service and a Life Fulfilled - Dr. Atilio Alicio

“Dalawang Baybayin/Two Shores”, a Virtual intercultural Exchange Program a Success!